LP Salik

LP Salik
  • LP Salik

  • Views 3

  • Downloads 0

  • File size 385KB
  • Author/Uploader: Ren Contreras Gernale

Banghay-Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 (Enero 21-31, 2019) I. Layunin: a. naipaliliwanag ang mga panloob na salik na nakaiimpluwensiya sa paghubog ng mga pagpapahalaga; b. nasusuri ang isang kilos batay sa isang panloob na salik na nakaiimpluwensya sa paghubog ng mga pagpapahalaga; c. nahihinuha na ang paglalapat ng mga panloob na salik sa pang araw-araw na buhay ay gabay sa paggawa ng mapanagutang pagpapasiya; d. naisasagawa ang mga tiyak na hakbang na ilalapat sa mga pang araw-araw na gawain at pagpapasiya na makatutulong sa paghubog ng bawat panloob na salik na nakaiimpluwensiya sa paghubog ng mga pagpapahalaga. II. Paksang-aralin: a. Paksa: Panloob na Salik na Nakaiimpluwensiya sa Paghubog ng mga Pagpapahalaga b. Sanggunian: Edukasyon sa Pagpapahalaga 7 (Learner’s and Teacher’s Guide) c. Kagamitan: telebisyon, manila paper, pentel pen, mga larawan III. Pamamaraan:

a. Pang araw-araw na Gawain

b. Pagganyak

c. Panlinang na Gawain

Panalangin W.o.W. (Words of Wisdom) Pagtala ng liban sa klase Pagbabalik-aral (Sa nakaraang aralin, naunawaan natin ang mahahalagang konsepto ukol sa Hirarkiya ng Pagpapahalaga. Naipaunawa na masisigurong gumagawa ka ng mabuti kung ang pagpapahalaga ay nasa mataas na antas.) Pagpapalabas ng short video clip ukol sa dalagang nagkaroon ng malaking transpormasyon: https://www.youtube.com/watch?v=TZSBvEn7M5Y Matapos ipalabas ang video, gawin ang pagpoproseso: 1. Tungkol saan ang video na pinanood? 2. Ano ang nais na maabot ng pangunahing tauhan sa video? Naabot niya ba ito? 3. Paano niya ito natupad? 4. Ano ang napulot na aral sa pinanood? Ipabasa sa klase ang mga sumusunod na case studies:

Proseso: 1. Anu-ano ang mga nag-udyok sa mga tauhan na gawin ang kanilang ginawa? 2. Magbigay ng 3 mahahalagang aral na natutuhan mula sa mabuting ginawa. 3. Nakikita mo ba nag sarili mo sa kanila? Ipaliwanag ang kasabihan na, “DO NOT JUST EXIST, LIVE.” Tumawag ng mag-aaral na maaaring magbigay paliwanag sa pahayag. Tanungin ang mga magaaral na iugnay ang video na kanilang pinanood at kasabihan na kanilang nabasa sa paksang-aralin.

d. Presentasyon

e. Pagpapalalim

Gawain: Panuto: Iayos ang jumbled letters upang malaman ang mga panloob na salik. 1. IYAOKNENSS 2. ANAKYALAA 3. NESIBOTSI 4. RITBUD 5. NAPASGILINR IDPISLIAN 6. ARLOM AN TINEGRDIDA Hatiin ang klase sa anim at bigyan ang bawat pangkat ng cue card na kung saan nakasulat ang kahulugan ng mga PANLOOB NA SALIK. Hayaan ang mag-aaral na tumuklas ng kahulugan ng bawat salik. Pagtalakay sa teksto sa pahina 230-232.

f. Pagsasabuhay

IV. Pagtataya: Tukuyin kung anong Panloob na Salik ang inilalarawan ng pahayag. _____________1. Ito ay ang pagsasaloob ng mga katotohanang pagpapahalagang moral.

unibersal

at

_____________2. Masasabi lamang na naging matagumpay ang pagtuturo ng Edukasyon sa Pagpapahalaga ng iyong guro o ng iyong mga magulang kung tunay mong isinasabuhay nang paulit-ulit ang iba’t ibang mga birtud _____________3. Ang pagtukoy sa pangkalahatang kabutihan o kasamaan ng kilos ng tao ay masusukat sa pamamagitan ng mga sumusunod: a. layon (end) – tumutukoy sa layunin, dahilan o intensiyon ng kilos at ng gumagawa ng kilos b. pamamaraan (means) – ay ang mismong kilos o gawa c. mga pangyayari (circumstances) – konsiderasiyon sa oras, lugar, paraan o ang tumutugon sa tanong na kailan, saan, paano o gaano. _____________4. Ito ay laging may kakambal na pananagutan. _____________5. Ito ang batas moral na itinanim ng Diyos sa isip at puso ng tao. V. Takdang-aralin: Basahin ang susunod na aralin: “Panlabas na Salik”.